Isang Mensaheng Nais Ipabatid

The Parisian Life a.k.a. Interior d’Un Café by Filipino painter, Juan Luna

Ako’y mayroong nais na sariwain,
Ang nakaraang ‘di natin dapat makaligtaan,
‘Pagkat ito ay isang malaking bahagi ng ating sining –
Ang kaibuturan ng ating naghihikahos na katauhan.

Sila’y pumarito at nag-iwan ng maraming bakas,
Noo’y naisip na mapakikinabangan itong bagong tuklas.
‘Di kaya sila’y naging banta sa ating naging bukas?
Ngunit siyempre, hindi iyan dapat diyan magwawakas.

Kung maaari’y huwag na huwag kakalimutan,
Ang tunay nating pagkakakilanlan,
Hindi ba’t ito ay isang tunay na kayamanan?
Na hinding-hindi kailanman ay pwedeng mapalitan.